Tuesday, May 09, 2006
Que pasa
Ang sakit ng buong katawan koooo. Para kong umakyat ng Mt. Famy at nawala muna bago makarating sa tuktok. Sabi ni Jon, mag-absent na lang muna daw si Joaquin para makapagpahinga ako. Pero ayoko namang gawin yun dahil tatlong beses nang nag-absent ang anak ko wala pa man siyang isang buwan sa eskuwela. Naku, manang-mana sa mga kaibigan ng nanay niya! Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Arlene ng SAG (nahan na kaya yun?) na di daw dumadaan ang isang buwan na hindi siya nag-e-SL ng isang beses. Kahit wala naman daw siyang sakit, nagli-leave pa rin para makapagpahinga kahit papano. Sandali lang, si Arlene nga ba yun or si Karen ng ASG? Ah ewan! Basta ang alam ko pareho ko silang IDOL.
Meron nga palang lunch ang mga mothers ng yochien kanina. Buffet na restawran. Akala ko Pinoy lang ang mahilig sa buffet, hindi pala. Pero naman kung kumain sila, parang mga ibon. Ang kakaunti! Eh di siempre ako din pasalad-salad lang. Kunwari hindi patay-gutom. Sa loob-loob ko, bukas, malilintikan sakin ang spaghetti nila.
Read or Post a Comment
bwahaha! ang kulit! we missed you when you came here... well, di ka naman nagparamdam, so anech? :)
hahaha...
ANG ganda ng mga kasama mo! :) pati na din ikaw! :P bwahaha!
well, in the first place di naman tayo friends kung di ka maganda! anech? bwahahaha...
natatawa ako sa mga posts mo! ang bruha kahit kelan! :P
nikkita! the last time was too hectic so inisnab ko muna kayo. haha! Ako daw ang pinakamaganda dyan sa picture noh. Sabi ng asawa ko. Pagkatapos kong kurutin. hahahaa!!!!
tawa ako ng tawa when i checked ur zoto pics from tim's wedding! ang gaga ng mga comments mo kahit kelan! :P
na miss ko kayo bigla!
hugs & kisses mi amiga!